Ayon sa mga tuntunin ng maraming reward, limitado ang mga ito sa isa (1) kada player.  Maaari kang makatanggap ng mensahe ng error kapag sinusubukang bumili ulit ng parehong reward na nagsasaad ng SPErrorTypeID=9300 o "Naabot na ang iyong limitasyon sa pagbili para sa reward na ito."

Ano ang ibig sabihin nito?
Limitado sa "1 kada player" ang karamihan sa mga reward kada panahon ng alok.  Nangangahulugan itong maaari mong bilhin ang reward na ito nang isang beses kada panahon ng alok. Kapag na-renew ang panahon ng alok, pwede mo na itong bilhin ulit.  Maaaring magbago ang mga panahon ng alok batay sa availability at mga negosasyon namin sa aming mga partner.  Kung susubukan mong bumili ng reward na binili mo na dati at makakatanggap ka ng mensaheng naabot na ang iyong limitasyon sa pagbili para sa reward na ito, nangangahulugan itong nasa parehong batch pa rin tayo ng imbentaryo para sa reward na ito.  

May dalawang dahilan kung bakit kami nagpatupad ng mga limitasyon sa pagbili: para hikayatin ang aming mga player na subukan ang iba't ibang uri ng mga experience sa mga reward at para matiyak na may patas na pagkakataon ang lahat ng player na bilhin ang mga pinakasikat naming reward.