Dahil marami ang mga kahilingan sa pagkansela, inirerekomendang subukang ikaw mismo ang magkansela ng mga reward mo kung posible para maiwasan ang mga pagkaantala.
May self-cancel button ang karamihan sa mga reward. Para subukan ito, pumunta sa Game Lobby at mag-tap sa iyong myVIP Rewards Wallet. Magpapakita ito ng listahan ng mga binili mong reward. Mag-tap sa "Tingnan," pagkatapos ay mag-scroll sa ibaba ng page ng paglalarawan. Sa ibaba, may makikita dapat na opsyon para magkansela. I-tap ang "Kanselahin" at kumpirmahin ang iyong desisyon, at makakansela na dapat ito!
Kung hindi available ang opsyon para magkansela, magsumite ng kahilingan sa suporta at isaad ang (mga) reward code na gusto mong kanselahin. Kung hindi na-redeem, nag-expire na, at nare-refund ang reward, ikalulugod naming tumulong.
Pakitandaan na ire-refund kaagad ng karamihan sa mga pagkansela ng reward ang LP, pero maaaring may mga pagkakataon kung saan kakailanganing sapilitang isara at i-restart ang iyong app para ma-update ang iyong LP. Sa ilang pagkakataon, pwedeng abutin nang hanggang 24 na oras bago lumabas ang refund sa iyong account.