Kung gusto mong baguhin ang iyong mga petsa at hindi mo pa nakakansela ang iyong reservation, makipag-ugnayan sa MGM Rewards dahil makakatulong sila:
Mga Serbisyo para sa Miyembro ng MGM Rewards: 866.761.7111
Mga Reservation: 855.788.6775
Ihanda ang iyong Reward Redemption Code, Email Address, at MGM Rewards number kapag tumawag ka para mas mabilis ka nilang matulungan.
Pakitandaan na kailangang aktibo pa rin ang iyong reservation para mabago ang mga petsa. Kung kakanselahin mo ang reservation, ituturing nang na-redeem ang reward. Kapag na-redeem na ang isang reward, hindi namin maibabalik ang mga puntos mula sa reward na iyon at hindi na ito magagamit ulit para mag-book ng bagong reservation. Makikita ito sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng mga reward na itinakda ng aming mga partner. Pwede kang direktang makipag-ugnayan sa reward partner at pwede mong alamin kung aaprubahan nito ang pagkansela sa panig nito. Kung maaaprubahan ito, ipapasa ito sa amin at kakanselahin ito sa loob ng humigit-kumulang 1 linggo.