Batay sa mga pakikipagnegosasyon namin sa mga partner namin para makuha ang pinakamaraming high-value reward para sa mga loyal naming player, ipinapatupad ang mga sumusunod na limitasyon:
 
Mga Premium na Reward
Itinuturing nang mga premium reward ang mga ganap na komplimentaryong ticket sa MGM. Isasaad ito sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng bawat reward. Dapat ding sumangguni ang mga player sa Mga Tuntunin at Kundisyon para sa mga partikular na limitasyon sa redemption. Limitado ang mga player sa isang (1) komplimentaryong kuwarto kada biyahe.
 
Limitado ang mga Peppermill reward sa pagbili at pag-redeem ng isang (1) komplimentaryong pananatili sa Hotel o isang (1) Free Play na reward kada 90 araw.
 
Limitado ang Sycuan rewards sa dalawang (2) natatanging premium na reward sa loob ng rolling period na 7-araw.
 
Mga Hindi Premium na Reward
Para sa mga reward mula sa MGM (o iba pa naming partner) kung saan hindi nakasaad sa Mga Tuntunin at Kundisyon na "Isa itong premium na reward," pwede kang mag-redeem hangga't may LP kang pambili alinsunod sa mga tuntunin at kundisyon. I-treat ang sarili mo sa BOGO na palabas, BOGO na cocktail, at isang may diskwentong kuwarto bukod pa sa mga premium mong reward!
 
MGM Rewards sa labas ng Las Vegas
Para sa mga property sa labas ng Vegas area, hindi nagbago ang mga ganap na komplimentaryong ticket. Napapailalim ang lahat ng reward sa parehong mga limitasyon sa redemption. Tingnan ang Mga Tuntunin at Kundisyon ng bawat reward para kumpirmahin.
 
Mga Cruise Reward
Sa karamihan sa mga cruise reward, kailangan mong gamitin ang reward sa oras na mag-book ka, o sa loob ng isang partikular na panahon pagkatapos gawin ang iyong reservation at limitado ang mga ito sa isa (1) kada player. Ang ilang reward ay para lang sa piling paglalayag o hindi mare-refund para sa ilang partikular na alok na may limitadong panahon.
 
Nagustuhan ko ang reward na iyon! Kailan ko ito mabibili at magagamit ulit?
Limitado ang karamihan sa mga reward sa "1 kada player" sa bawat panahon ng alok. Nakasaad rin ito sa Mga Tuntunin at Kundisyon. Nangangahulugan itong isang beses mo lang pwedeng bilhin ang reward na ito kada panahon ng alok. Kapag na-renew ang panahon ng alok, pwede mo na itong bilhin ulit. Maaaring magbago ang mga panahon ng alok batay sa availability at mga negosasyon namin sa aming mga partner. Ginagawa namin ito para maibigay sa lahat ng player namin ang pinakamagandang pagkakataon para subukan ang lahat ng magaganda naming reward