Madaling laruin ang Tetris gamit ang touch screen - pero naisip naming isulat ang lahat para hindi mo na kailangan pang mag-eksperimento nang mag-isa.
Kapag nag-swipe sa screen pakaliwa o pakanan, gagalaw ang Tetrimino mo nang pakaliwa o pakanan. Kapag nag-tap sa screen, magro-rotate ito. Kapag nag-tap sa kanang bahagi, magro-rotate pakanan ang Tetrimino mo. Kapag nag-tap sa kaliwang bahagi, magro-rotate pakaliwa ang Tetrimino mo.
Kung sinusubukan mong pabilisin nang kaunti ang mga bagay-bagay, maaari mong pabilisin ang paghulog ng Tetriminos mo gamit ang mga Hard Drop at Soft Drop.
Para Mag-hard Drop, mag-swipe pababa sa screen. Agad nitong ila-lock ang Tetrimino mo sa huhulugan nito.
Para Mag-soft Drop, pindutin nang matagal ang screen at mag-drag pababa. Kapag Nag-soft Drop ka, magagalaw mo pa rin ang Tetrimino mo sa oras na dumikit ito sa isang surface bago ito Ma-lock Down.
Kapag nag-swipe ka pataas, ilalagay mo ang anumang Tetrimino na nahuhulog sa Hold Queue mo. Kung mayroon nang Tetrimino doon, lalabas iyon sa Matrix mo.