Paano gumawa ng team
  1. Kapag naabot mo na ang nire-require na level ng player sa laro, magkakaroon ka ng opsyong gumawa ng team. Para makita ang opsyong ito, hindi ka dapat kasalukuyang miyembro ng ibang team.
  2. Buksan ang screen ng Team at pumunta sa tab na Gumawa.
  3. Ilagay ang pangalan at paglalarawan ng team mo.
  4. Itakda ang level na nire-require para makasali. Hindi makakasali sa team mo ang mga player na nasa mga mas mababang level sa laro.
  5. Kapag tapos ka na, i-tap ang button na Gawin ang Team.
Paano sumali sa isang dati nang team
  1. Buksan ang screen ng Team at pumunta sa tab na Sumali (Naka-default sa tab na ito).
  2. Piliin ang alinman sa mga iminumungkahing team at pindutin ang button na Sumali.
  3. Mag-"Hello" sa lahat ng nasa chat!