Malamang na alam mo na kung paano makapuntos sa Tetris - mag-clear ng mga linya. Tama naman, pero hindi lang iyon.
May baseline score ang lahat ng ginagawa mo sa Tetris na nakakapuntos - ang halagang katumbas ng galaw - na imu-multiply sa kasalukuyan mong level. Sa madaling salita, kapag mas mabilis na nahuhulog ang mga piyesa ng Tetrimino, mas makakapuntos ka, anumang mode ang nilalaro mo.
Kaya hindi na papatagalin pa, narito ang lahat ng baseline score para sa Tetris:
- Single Line Clear: 100 Puntos
- Double Line Clear: 300 Puntos
- Triple Line Clear: 500 Puntos
- Tetris Line Clear: 800 Puntos
- Mini T-Spin: 100 Puntos
- Mini T-Spin Single: 200 Puntos
- T-Spin: 400 Puntos
- T-Spin Double: 1200 Puntos
- T-Spin Triple: 1600 Puntos
- Single Line Clear All Clear: 800 Puntos
- Double Line Clear All Clear: 1200 Puntos
- Triple Line Clear All Clear: 1800 Puntos
- Tetris Line Clear All Clear: 2000 Puntos
- Back-To-Back Tetris Line Clear All Clear: 3200 Puntos
- Soft Drop: 1 Puntos/Ibabagsak ang Linya
- Hard Drop: 2 Puntos/Ibabagsak ang Linya
Dagdag pa rito, makakakuha ka rin ng mga Back-To-Back bonus kung makakagawa ka ng mga Tetris Line Clear o T-Spin Line Clear nang magkakasunod, at nang hindi nagki-clear ng kahit anong linya sa pagitan ng mga ito. Bibigyan ka ng Back-To-Back bonus ng dagdag na 50% ng anumang maso-score mo dapat sa galaw na iyon.